Rhian imposibleng main-love kay Manny

“It’s a big no!”

Mariing sagot ng Kapuso actress na si Rhian Ramos kung posible bang ma-involve siya romatically kay Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao, lalo at magkasama sila sa bagong gameshow ng GMA7 na Manny Many Prizes  with Isabelle daza, Paolo Contis at Onyok Velasco  na mapapanood na this Saturday, July 16, 6 pm.

Katwiran ni Rhian, may asawang tao si Manny kaya friendship lang daw ang puwede niyang ibigay sa magaling na boksingero.

Ayaw daw nitong manira ng pamilya nang may pamilya. And besides, busy daw siya sa rami ng projects.

Bukod kasi sa Manny Many Prizes, regular din siyang napapanood sa Limelight sa GMA News TVChannel 11 .

Mayroon din siyang dalawang pelikulang ginagawa, ang Panday, Ikalawang Yugto at ang bagong  GMA7 horror movie na The Road, mula sa direksiyon ni Yam Laranas.