Bea Binene pagbibidahan ang "Pahiram ng Isang Ina"

Matutuloy na rin ang pagbibida ni Bea Binene sa isang soap opera ng Kapuso Network.
Pero hindi si Derrick Monasterio ang magiging leading man niya, kundi si Jake Vargas na una niyang naka-loveteam.
Ang soap ay magsisimula nang magtaping next month na may titulong Pahiram ng Isang Ina.
Maraming malalaking artista ang makakasama nina Bea at Jake sa naturang soap.
Kung kami ang tatanungin, keri na ni Bea na sumabak sa soap bilang pangunahing bida dahil nasubukan na siya sa Tween Hearts, Captain Barbell at sa First Time, kung saan sila nag-tandem ni Jake.
Incidentally, this Sunday ay may album launch at fans day si Jake sa SM Centerpoint sa alas-5 ng hapon.
Malamang dumalo ang ka-loveteam niyang si Bea para suportahan ang partner.
