Aga-Marian movie in the works
Pagkatapos ng Temptation Island, pelikulang pagtatambalan nila ni Aga Muhlach ang gagawin ni Marian Rivera.
Pero tatapusin muna nito ang shooting ng Panday 2 nila ni Sen. Bong Revilla, kaya mga September na sisimulan ang shooting ng Aga movie.
Nakipag-meeting na ang actor kina Mother Lily Monteverde, Roselle Monteverde-Teo at Atty. Annette Gozon-Abrogar dahil co-produced ang wala pang title na pelikula ng Regal Entertainment at GMA Films.
Alam na rin ni Marian ang tungkol sa movie project nila ni Aga dahil itinawag ito ng Regal sa manager ng aktres na si Popoy Caritativo noong nasa Amerika ang talent manager.
Sa balitang gagawa ng pelikula si Marian kapareha si Robin Padilla, baka next year na ito gawin.
Samantala, may kaguluhan sa Twitter the other day dahil sa sunud-sunod na tweets nina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga, pero si Marian, tuluy-tuloy na nagti-taping ng Amaya sa Laguna.
Sa episode mamaya, nag-usap-usap ang mga babaylan kung dapat bang maging alabay pa si Amaya gayong nabasa sa kanyang mga palad na ’di siya magiging babaylan, pero iba ang tingin ni Hilway sa kapalaran ng dalaga.
Naramdaman ni Amaya na may nakamasid habang kausap niya ang kambal ahas niya.
Ipagpipilitan ni Alunsina na si Amaya ang may kambal ahas.