Marian Red Cross endorser

Jun Nardo

Si Marian Rivera ang napiling endorser ng Philippine Red Cross ngayon. Kaugnay ng pagkakapili sa Regal Baby at isa sa female lead stars ng Temptation Island, ilo-launch ni PRC Chairman Richard Gordon ang Million Man Run, ang pinakamahabang fun run sa history, sa Mayo 9 sa Manila Polo Club. 

Magsisilbing fund-raising ang project para sa humanitarian work of volunteerism ng ahensya.

Eh, ngayong 2011, idineklara ito ng United Nations bilang International Year of Volunteers. 

Ang International Red Cross at Red Crescent Movement ay sine-celebrate ang World Red Cross Day na pinu-promote ang volunteerism sa temang, "Find the Volunteer Inside You."

Darating din sa launching ng fun run ang mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde Teo, board of governors at iba pang board members ng PRC.