Kylie, binantayan ni Aljur

Gorgy Rula

MARAMI ang nakapansin sa nakakaaliw na eksena sa technical rehearsal ng Party Pilipinas sa studio ng GMA 7 nu’ng Sabado.
Nandu’n si Kylie Padilla na nagre-rehearse at nakabantay si Aljur Abrenica.
Nandu’n din si Kris Bernal na ka-holding hands ang lead vocalist ng bandang Six Feet Long na si Jay Perillo.
Nasa labas ng studio ay sina Rocco Nacino at Sheena Halili na sweet din sa isa’t isa.
Iisa lang ang sagot nilang lahat, “close friends” lang daw sila, pero inspired daw sila sa isa’t isa.
Sabi pa ni Sheena, si Rocco ang isa sa pinakamalapit sa kanya ngayon at madalas silang magkasama.
Sagot ni Rocco nu’ng minsang tinanong namin na maraming nagbabalak na ligawan si Sheena, “Subukan lang nila”.
Consistent sa pagsasabi si Aljur na malapit lang na kaibigan niya si Kylie at isa ito sa nagbibigay sa kanya ng inspirasyon.
Si Kylie ay umiiwas na magpa-interview at pinatahimik na lang ito.
Si Kris naman ay tuwang-tuwa sa dalawang kantang nilikha ni Jay para sa kanya. Nakapaloob nga raw ito sa bagong album ni Jay na ipu-produce ng Viva Records.
Malapit na itong i-release at iyun pa lang daw ang pagkakataong mapapakinggan ni Kris ang kanta.
Demo tape pa lang daw ang napakinggan ni Kris pero kinikilig na siya nang napakinggan niya ito.
“Masarap, kasi ako mahilig ako sa ganyan na ginagawan ako ng kanta. Parang ang liit na bagay, tapos, alam mong pinaghirapan, pinagpuyatan.
“Di ba, parang nakaka-touch, first time na nagawan ako ng kanta.
“Maganda kasi ‘yung ly­rics, swak talaga sa amin, kung paano kami nagkakilala, kung paano kami nagkita,” sey ni Kris.
Tinanong namin si Jay tungkol sa dalawang kantang ginawa niya para kay Kris at sinabi niya sa aming marami siyang nagawang kanta na inspired kay Kris, pero iyung dalawa raw na may pamagat na Nakatanim at When I Saw You ang napili ng Viva na isama sa kanyang album.
“Yung When I Saw You, typical na love story ng dalawang nag-iibigan.
‘Yung Nakatanim is para siyang vow ng feelings ng isang nagmamahal sa isang minamahal,” sagot sa amin ni Jay na mukhang in love na in love.
Pero hindi niya inaamin kung sila na ni Kris.
Ang puwede lang daw niyang masabi ay nanliligaw siya at willing siyang maghintay.
Matagal na raw ang panunuyo niya kay Kris at nakakaintindi siya kung sa ngayon ay prioritized daw ni Kris ang kanyang career at may pagka-conservative ito.
Hindi masabi ni Kris kung ano na talaga ang relasyon nila ni Jay, pero open na sila at nakikita silang naghu-holding hands.
“Gusto ko ‘yung feeling na para akong princess, para akong spoiled brat sa kanya, tapos, wala siyang hinihingi in return.
Alam niyang busy ako, hindi siya nagrereklamo,” kuwento ni Kris tungkol kay Jay.
Natutuwa lang daw siya dahil napaka-supportive nito sa kanyang career at hindi pinagseselosan ang mga ka-loveteam niya lalo na ang kay Aljur.
Naniniwala rin si Kris na kung ano man ang takbo ng kanyang lovelife, hindi ito makakaapekto sa kanyang career.
“Akala ko nu’ng una eh, kasi may mga isyu na ‘pag nag-lovelife ka, maaapektuhan ang career mo.
“Napatunayan ko naman na basta ibalanse mo lang, basta i-handle mo lang nang mabuti, kaya naman,” tugon nito.