It's now official: Vic Sotto and Senator Bong Revilla are the Box-Office Kings and Ai-Ai delas Alas is the Box-Office Queen of 2010
PEP.ph

Ginanap kagabi, April 8, ang deliberation ng mga hurado para sa 42nd Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.(GMMSFI) sa Danes Publishing House, Mindanao Avenue, Quezon City.
Itinanghal na Box-Office Kings sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla, at Box-Office Queen naman si Ai-Ai delas Alas.
Ang kanilang entries sa 2010 Metro Manila Film Festival na Si Agimat at Si Enteng Kabisote (para kina Vic at Bong) at Ang Tanging Ina Mo: Last Na 'To (para kay Ai-Ai) ang topgrossers sa lahat ng mga pelikulang ipinalabas noong 2010, ayon sa record na nakuha ng GMMSFI.
Sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo naman ang napiling Film Actor and Actress of the Year. Nagbalik-tambalan ang Kapamilya loveteam na ito sa blockbuster hit na Miss You Like Crazy, samantalang naging matagumpay rin ang solo projects nila—ang My Amnesia Girl para kay John Lloyd at Sa 'Yo Lamang ni Bea.
Ang ABS-CBN stars na sina Coco Martin at Toni Gonzaga ang itinanghal na Prince and Princess of Philippine Movies. Napanood sila last year sa Sa 'Yo Lamang at My Amnesia Girl, respectively, na parehong iprinodyus ng Star Cinema.
Ang Agua Bendita stars na sina Matteo Guidicelli at Andi Eigenmann naman ang napili ng GMMSFI bilang Most Promising Male and Female Stars.
Ang coronation at awards night ay gaganapin sa May 7, Sabado, sa RCBC Plaza, Makati City:
Box-Office Kings: Vic Sotto & Bong Revilla
Male Concert Performer of the Year: Ogie Alcasid
Most Promising Recording/Performing Group: XLR8
Most Popular Male/Female Child Performer: Jillian Ward
Most Popular Film Director: Tony Y. Reyes (Si Agimat at Si Enteng Kabisote) & Wenn Deramas (Ang Tanging Ina Mo: Last Na "To)
Most Popular TV Programs: News Program - 24 Oras
Comedy Actor of the Year: John Lapus
