Eat Bulaga sa Canada




Excited ang Eat Bulaga dabarkads na mag-show para sa mga kababayan natin sa Vancouver.
Ilang beses nang nagpabalik-balik ang EB sa Amerika pero ito ang first time ng tropa sa Canada kaya excited pati sina Tito, Vic & Joey.

Mamayang 4:40 PM ang lipad ng grupo papuntang Vancouver. Saktong isang linggo lang sila mawawala dahil Martes (Abril 26) nang madaling-araw ay nandito na ang dabarkads.

Bukod sa TVJ, kasama sa Eat Bulaga sa Canada sina Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Julia Clarete, Pauleen Luna, Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Anjo Yllana, Jimmy Santos, Paolo Ballesteros at si Michael V na first time makakasama ng tropa sa EB show abroad.

Kasama dapat si Bitoy sa EB show sa Anaheim, California nu’ng Set­yembre 2010, pero palipad na lang pa-Amerika ay pinababa pa sila ng eroplano dahil may sore eyes ang isa niyang anak. Naunsyami tuloy pati ang bakasyon nila.

Ngayon ay nauna na sa US ang pamilya ni Bitoy at nagbabakasyon na roon.
Pupunta na lang sila sa Canada para sa show. Nakabili ng bahay si Bitoy sa California kaya meron na silang tinitirahan sa Amerika.

Kasama rin sa Vancouver show ang EB Babes na sina Saida Diola, Ann Boleche, Mergene Maranan, Molly Baylon, Steph Tan, Ria Duenog at Maricorn Mangampo.

Gaganapin ang Eat Bulaga sa Canada sa Sabado de Gloria (Abril 23), 7:00 PM sa Queen Elizabeth Theatre, West Georgia St., Vancouver, British Columbia, V6B 2P1, Canada.

Ang nasabing venue ay home of the Vancouver Opera. Almost 3,000 ang capacity nito.
Sa 42-member entourage ng EB kasama ang hosts, staff, crew, atbp. ay ito na ang isa sa biggest shows ever na dadal­hin sa Vancouver para maghatid ng saya sa ating mga kababayan doon na karamihan ay permanent residents at Canadian citizens, pati na rin ‘yung foreign workers na matagal nang nagtatrabaho roon at hindi nakakauwi ng ‘Pinas.

Mula ito sa R&B Productions na nag-produce ng shows doon nina Sarah Geronimo, Parokya ni Edgar, Kamikazee at ni Vice Ganda.

Sa Empire Landmark Hotel sa downtown Vancouver mag-i-stay ang buong tropa. Ito ang unang pagkakataon na muling magbibiyahe na magkasama sina Vic at Pia mula nang mapa­balita ang break-up nilang dalawa.

Ano kaya ang magiging eksena nila sa Canada?
Samantala, sa official Facebook page ng Eat Bulaga ay umaapela ang mga kababayan nating taga-Toronto, Calgary at iba pang lugar sa Canada. Sana raw ay isunod din sila pagkatapos sa Vancouver.
Merong EB fanatics na taga-Florida at sa kung saan-saan pang states sa Amerika na dadayo pa ng Vancouver para mapanood ang dabarkads.

Ang dami ring fans mula sa Europa na nagre-request na dalawin din sila ng Eat Bulaga.
Para sa tiket sa Eat Bulaga sa Canada, maaaring tumawag sa tel# 604-812-2728, 778-892-0873 at 604-722-9711. Sa Seattle area ay 206-306-6650.