Andres de Saya magsisimula ng magtaping

Bukas, Huwebes ang first taping day ng sitcom ng GMA na Andres de Saya na title role si Cesar Montano at kapareha si Iza Calzado. Kundi mababago, sa April 30 ang sinabing pilot nito.
Hindi itinuloy ni Iza ang Australian vacation niya na dapat ay noong March 9 to 31 dahil sa Andres de Saya at shooting ng Panday 2 dahil gusto ni Sen. Bong Revilla, Jr. na matapos ng maaga ang pelikula dahil sa mga special effects na ilalagay. Sa July na lang itutuloy ng aktres ang bakasyon.
Kasama nina Cesar at Iza sa Andres de Saya sina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona na ikinatutuwa ng mga fans ng dalawa kasi regular nilang mapapanood na umaarte ang favorite love team nila sa Party Pilipinas.
Si Cesar pala ang sumulat sa theme song nang pagbibidahang sitcom na sa sobrang inspired ng aktor, mabilis na natapos. Kundi kami nagkakamali, kasama ang kanta sa album ni Cesar na malapit nang i-release.
