Edu returns as host of 'Family Feud'

People's Tonight        

 


Balik-Telebisyon si Edu Manzano simula sa April 4 sa nagbabalik na game show sa GMA Network, ang pinalaki at mas exciting na season ng Family Feud: The Showdown Edition.

Siguradong aabangan ang pagbabalik-telebisyon ng na ito ng TV host na hinahangaan sa galing at abilidad sa harap ng kamera.

Patok na patok sa lahat ang kakaibang istilo at karisma ni Doods na kinagigiliwan ng mga contestant at mga manonood.

Pangako ng GMA-7, doble ang saya at excitement dahil dinagdagan ng bagong segments at twists ang programa bukod pa sa naglalakihang bonus prizes at give-aways.

Ang ilan sa mga pagbabago ay ang wider selection ng contestants, nakatatawang survey questions at enhanced visual elements sa tunggalian ng bawat pamilya.

Magkakaroon din ng “pampainit” segment kung saan may pagkakataon si Doods na makipagbatuhan ng jokes at makipagkuwentuhan sa mga contestant at studio audience.

Bukod sa pagbabalik ng “Pass or Play” option, ilulunsad din ng pinakabagong season ng Family Feud ang bonus feature na SweepHeart, kung saan makakakuha ng additional cash rewards ang pamilyang makakasagot ng lahat ng tamang answers sa board.

Pataasan ng puntos at paramihan ng maisasagot na top answers ang labanan sa Family Feud: The Showdown Edition.

Watch n’yo ang Family Feud: The Showdown Edition simula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 a.m., pagkatapos ng Starbox sa Kapuso network.